Sunday, March 20, 2011

Ang Keyboard ng Tunay na Real Men

Ito ang aking unang post sa Blog ng mga Tunay na Real Men, marahil nag tataka ka kung ano ang depinisyon o ano mismo ang tinatawag na Tunay na Real Men. Ang mga TnRM ay na iiba sa karamihan ng mga lalaki sa mundo, sila yung mga tipo na pag na banga mo sa kalye ay aambahan ka ng suntok mapa babae ka man, at dahil isa akong Tunay na Real Men, tinatamad ako mag type kaya umpisahan na natin.




Ang Keyboard ng Tunay na Real Men



Isa itong masterpiece na nakita ko sa aking pag lalakbay, ang tatak ng isang pagiging Tunay na Real Men ay nandyan na; Sunog-sunog na keyboard, marumi, wasak, upos ng sigarilyo, sigarilyo at kaha ng sigarilyo, wala ka ng ibang hahanapin pa.

Tingnan mo ang iyong Keyboard at tumingin ka muli sa litro sa itaas, hindi ka ba nahihiya sa nakikita mo? Kumpletong mga letra, malinis, makintab at higit sa lahat WALANG SUNOG!!